11 Pinoy, pasok sa annual billionaires list ng Forbes

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 5409

henry sy
Labing-isang Pilipino ang pasok sa annual billionaires list ng Forbes magazine.

Pinakamayaman pa rin sa Pilipinas ang may-ari ng SM Investments Corporation na si Henry Sy.

Nakuha ni Sy na may $12.9 billion dollars net worth ang ika-71 na pwesto. Si Sy rin ang pinakamayaman sa bansa noong nakaraang taon sa net worth na $14.1 billion.

Pumangalawa kay Sy ngayong taon si John Gokongwei na may net worth na $5 billion.

Sumunod si Lucio Tan na may $4 billion habang ang banker na si George Ty may $3.7 billion net worth.

Ang ilan pang Filipino billionaires ay sina construction magnate David Consunji, Andrew Tan at Tony Tan Caktiong na may $3 billion, Enrique Razon Jr. na may $2.4 billion, Lucio at Susan Co na may $1.6 billion, Robert Coyiuto, $1.6 billion at dating senator Manny Villar na may $1.3 billion.

Kinilala naman si Bill Gates na may $75 billion na pinakamayamang tao sa buong mundo.

Tags: ,