Isang kasunduan ang nilagdaan ng mga kumakandidato sa La Union para sa mapayapang pagdaraos ng eleksyon

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1427

GRACE_PEACE-COVENANT
Lumagda kaninang umaga sa peace covenant ang mga lokal na kandidato sa San Fernando La Union kaugnay ng nalalapit na may elections.

Pinangunahan ito ng Commission on Elections, Philippine National Police at PPCRV La Union sa layuning magkaroon ng ligtas, patas at mapayapang halalan ngayong taon.

Ayon sa PNP-San Fernando, sa kasalukuyan ay walang napapaulat na kaguluhan sa syudad na may kaugnayan sa eleksyon.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , ,