Comelec, tumatanggap na ng aplikasyon para sa gun ban exemption sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | November 25, 2015 (Wednesday) | 1377

IMAGE__101512__UNTV-News__COMELEC-logo2
Tumatanggap na ang Commission on Elections o Comelec ng aplikasyon para sa gun ban exemption para sa nalalapit na 2016 national elections.

Ang aplikasyon ng sinumang nais makakuha ng gun ban exemption o permiso sa pagdadala at pagta-transport ng mga baril at iba pang deadly weapon, ay maaaring isumite sa alinmang tanggapan ng Comelec.

Ang gun ban ay ipatutupad ng Comelec sa kabuuan ng election period para sa 2016 national and local elections mula January 10 hanggang June 8, 2016.

Sa loob ng mga nasabing petsa, tanging mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies ng pamahalaan na may election duty ang papayagang magdala ng mga baril.

Batay rin sa resolution 10015 ng Comelec, sakop ng gun ban ang airsoft guns at replica ng mga baril at kailangang naka-uniporme ang deputized law enforcers na gaganap ng kanilang election duty.

Tags: , ,