9 na AFP informants, pinarangalan at pinagkalooban ng P22.5 milyong piso

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 1670

awarding from PNP
Pinarangalan at pinagkalooban ng may 22.5 milyong piso ng Armed Forces of the Philippines ang siyam na informante sa Camp General Emilio Aguinaldo Quezon City ngayong araw.

Kabilang sa naparangalan at tumanggap ng gantimpala sina CNN leader Eduardo Esteban, CNN leader Dominiciano, ASG Commander long Sulayman, ASG Sub leader Khair Mundos, ASG member Nur Hassan, Cohort Jaojin Salam, Cohort Iyong Yacob, Cohort Datu Mama Abpa at Cohort Abi Pamanay.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Restituto Padilla, naging mas efficient ang pag-evaluate at pag-validate ng lahat ng mga isinumite sa joint reward evaluation committee na pinamumunuan ng hepe ng intelligence sa AFP at PNP.

Bawat papel na isinusumite ay batay sa nanggagaling sa field na gumagamit ng mga informants at dahil sa tulong nila ay nahuhuli at nanu-neutralize ang mga nanggugulo sa mga komunidad.

Aniya saludo ang AFP sa isinasagawang pagtulong ng mga informante sa gobyerno kayat karapat dapat lamang na sila’y bigyan ng gantimpala.

(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Reporter)

Tags: ,