Comelec magdadaos ng public consultation kaugnay sa mall voting

by Radyo La Verdad | November 20, 2015 (Friday) | 3021

MALL-VOTING-2
Isang public consultation naman ang isasagawa ng Comelec kaugnay sa mall voting.

Imbitado ang mga interesadong partido sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila sa November 27 ng alas-dies ng umaga.

Samantala, nais ng poll body na makuha ang pulso ng publiko kaugnay sa planong ito.

Handa na rin ang Commission on Elections sakaling mawalan ng kuryente ang ilang lugar ng bansa sa mismong araw ng halalan.

Kasunod ito ng nangyaring pagpapasabog sa mga transmission towers ng National Grid Corporation sa Mindanao.

Ayon sa Comelec kahit walang kuryente may back up batteries naman ang mga vote counting machines na tatagal ng buong maghapon

Sa mga lugar na makakaranas ng power interruption, maglalagay din ng generator sets ang Comelec. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,