Ilang isinarang kalsada sa Metro Manila dahil sa APEC Summit, bubuksan na ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 20, 2015 (Friday) | 2533

ROAD-CLOSURE-1
Labing tatlo sa mga Economic Leader ang nakauwi na sa kanilang mga bansa kahapon, subalit mayroon pa ring ilang naiwan at naka iskedyul pa na umuwi ngayong araw gaya ni US President Barack Obama.

Dahil dito, mananatiling sarado ang ilang lansangan ngayong araw sa Metro manila at inaasahang bubuksan pa mamayang alas kwatro ng hapon.

Ang kahabaan ng Roxas Boulevard sarado pa rin mula Katigbak Road hanggang Airport Road sa Pasay.

Maging ang paligid ng Cultural Center of the Philippines, off limits sa mga motorista

Ang APEC Lane sa EDSA, hindi pa rin tatanggalin kaya’t mas makitid na kalye ang dadaanan ng mga motorista

Tuloy ang implementasyon ng stop and go scheme, hindi lang mga sasakyan ang pahihintuin ng tatlumpung minuto, pati mga tren ng mrt at maging mga pedestrian hindi pahihintulutang tumawid.

Ang number coding patuloy na ipatutupad.

Nagpaalala naman ang MMDA at PNP- HPG sa mga motorista at commuter sa mabigat na trapiko ngayong araw dahil balik trabaho na ang mga nasa pribadong sektor.

Tags: , ,