100 milyong piso na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa operasyon ng PNP sa Quezon City kagabi

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 1503

SHABU
Dalawampung kilo ng shabu na tinatayang nagka-kahalaga ng isandaang milyong piso ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City kagabi.

Naaresto rin ang dalawang lalaki kabilang ang isang Chinese national.

Nagtangka pang tumakas ng mga suspek sakay ng isang sports utility vehicle ngunit naging mabilis ang mga tauhan ng PNP- Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group.

Ayon kay Supt. Robert Razon, commanding officer ng grupo, posibleng konektado ang mga suspek sa malaking drug syndicate na naunang nahuli sa mga nakaraang raid.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,