Nangako nang magbabagong buhay ang isang daan at limangpung drug personalities nasama-samang sumuko sa mga pulis sa Barangay Wawa Balagtas Bulacan alas singko ng hapon kahapon.
Isa rito angtrentay singko anyos na lalaki na si Alyas Gelo na dalawamput limang taon nang user at sampung taon naring pusher sa Bulacan.
Umaasa naman ang pulisya na madaragdagan pa ang bilang ng mga sumukong drug personalities.
“Sa lisatahan na nakalap namin, umaabot ang Balagtas sa mahigit limang daan,user at pusher, habang umikot kami mas lumalaki pa ang bilang.” Pahayag ni Balagtas, Bulacan Police Chief PSupt. Isagani Enriquez.
(Nestor Torres/UNTV Radio)