Nasa isang daang bahay ang tinupok ng apoy sa Marulas Valenzuela City lunes ng umaga.
Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng nagngangalang Diana Grande.
Dahil gawa sa light materials ang karamihang bahay mabilis na kumalalat ang apoy at iniakyat ng Bureau of Fire Protections sa taskforce alpha alas dyes bente dos ng umaga ang alarma ng sunog.
Ang mga residente, kaniya kaniyang bitbit ng mga gamit.
Ang iba naman ay nagtulong tulong na apulain ang sunog gamit ang timba-timbang tubig.
Idineklarang fire under control ang sunog ng mga bumbero alas onse katorse ng umaga.
Kasama ang UNTV Fire Brigade sa may apatnaput dalawang bumbero na nagtulong – tulong sa pag apula ng apoy
Ayon sa ilang residente, nag simula ang sunog sa illegal na koneksyon sa kuryente.
Kasalukuyan iniimbestigahan ng BFP ang report sa pinagmulan ng sunog. ( Bernard Dadis / UNTV News)