10 patay sa pagbagsak ng eroplano sa India

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 1099
plane crash sa India(REUTERS)

plane crash sa India(REUTERS)

Sampu ang nasawi ng bumagsak ang sinasakyang maliit na paramilitary plane sa labas ng New Delhi main airport.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang Super King Aircraft ay tumama sa boundary wall ng airport bago bumagsak sa maliit na ilog.

Papunta na sana ang eroplano sa New Delhi sa eastern city ng Ranchi kung saan nakasakay ang walong engineers at dalawang piloto.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Tags: , , ,