Sampung barangay na sa bayan ng Calumpit Bulacan ang lubog ngayon sa tubig baha matapos magpakawala ng tubig kahapon ang Angat, Ipo at Bustos dam nang umabot ang mga ito splling level dahil sa mga pag ulang dala ng bagyong Nona.
Ang barangay Sapang Bayan na malapit sa umapaw na ilog ang pinaka-naapektuhan ng pagbaha.
Umabot ng hanggang sa leeg ang tubig baha dito.
Siyam na barangay naman ang nasa isa hanggang tatlong talampakan ang baha, kabilang dito ang barangay Bulusan, Calizon, Caniogan,Frances,Gatbuca, Gugo,Maysulao,San Miguel, at barangay Sta Lucia.
Kanya-kanyang likas na rin ang mga residente na apektado ng baha
Lumusong ang mga ito sa hanggang bewang na tubig bitbit ang kanilang mga gamit.
Ang iba naman ay sumakay pa ng bangka upang makapunta sa mga evacuation center.
Batay sa tala ng PDRRMC, halos apat na raang residente mula sa Sapang Bayan at Poblacion ang lumikas patungong Provincial Training Center BMLTC.
Labing pitong pamilya naman ang kasalukuyang nasa Gatbuca covered court habang tatlumpung pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa San Miguel elementary school.
Patuloy namang pinaalalahan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na nakatira sa mababang lugar na magsikas sakaling tumaas pa ang tubig baha.
Kasama rito ang kalapit bayan ng Calumpit, ang Paombong at Hagunoy na ngayon ay baha narin ang isang barangay nito.
Samantala, mula pa kaninang hating gabi ay itinigil na ng Angat at Ipo dam ang pagpapakawala ng tubig.
Habang ang Bustos dam naman ay muling nagpakawala ng tubig kaninang alas dos y medya ng hapon matapos umabot sa 17.43 meters ang water level nito.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)
Tags: 10 barangay, 3 dam, Calumpit Bulacan, magpakawala, tubig baha
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com