10 arestado sa isinigawang buy bust operation sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1091

12670168_723304091103737_8146695661458642430_n
Nakakulong na sa Camp Karingal ang sampung naaresto ng mga kawani ng District Anti Illegal Drug Special Operation Task Group (DAID-SOTG) sa isinigawang buy bust operation sa Quezon City kahapon ng hapon.

Alas singko y medya ng hapon ng salakayin ng mga otoridad ang isang eskinita sa Don Pepe Street Barangay Sto. Domingo kung saan talamak umano ang bentahan ng droga ayon sa isang informant.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlumput apat na tranparent sachet na hinihinalang shabu, drug parapernalias, mga bala, limang improvised na mga baril at tatlong daang piso marked money.

Sasampahan naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,